PINAS

Smart ID, para sa mga atletang Filipino

Ni: Noli C. Liwanag

SMART ID, IPINAHAYAG ni Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Velasco ang kahalagahan ng Smart ID para sa mga atleta.

Ayon kay Velasco, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng Smart ID ang lahat ng atleta, kabilang na ang nasa training pool pa lamang.

“Never before in the history of Philippine sports Commission (PSC) na magkakaroon tayo ng Smart ID for our athletes, although meron ginawa noon kaso hindi napagtuunan ng pansin. So this time, ‘yan ang focus natin,” sabi ni Velasco.

Ang Smart ID ang magsisilbing gabay hindi lamang ng mga coaches kung di pati na rin sa PSC at PSI upang malaman ang lahat ng mga detalye tungkol sa atleta.

Makakatulong ang Smart ID na tukuyin kung anong sports maaaring maglaro ang isang atleta gayung sisimulan ang nasabing ID para sa mga kabataan na may edad 8-12-anyos.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang PSC ng consultative meetings para sa Smart ID.