Ni: Ana Paula A. Canua
- Iwasan ang matatamis na pagkain. Maaaring sa simula ay bigyan ka nito ng matataas na energy o sugar rush, ngunit kapag tapos na ang sugar rush makakaramdam ka na ng pagod at antok. Iwasang uminom ng soda at juice at kumain ng labis na dessert.
- Mag-unat. I-stretch ang braso at kamay sa hangganan ng inyong makakaya. I-hold ang pag-stretch ng 10 hangang 15 segundo.
- Kung talagang nakakaramdam ng mababang energy, maaaring kulang ka sa tulog, tiyakin na may pito hanggang siyam na oras ng tulog.
- Bawasan ang stress levels. Kapag nakakaranas ng stress, huminga nang malalim at dahan-dahan. Gawin ito ng sampung ulit.
- Imbes na magkape mas maigi na uminom ng tsaa, gaya ng ginseng at Echinacea. May kakayahan pa itong patibayin ang immune system ng katawan.
- Pagpahid ng essential oils sa likod, dibdib o ulo. Mainam ang jasmine, peppermint at rosemary na nakakapagbigay sigla at relief dahil sa aroma nito.
- Uminom ng siyam hanggang 12 baso ng tubig. Bukod sa pananatiliin kang hydrated nito, pinapababa rin nito ang tyansa ng stress at fatigue.
- Kumain ng gulay at prutas. Ang kumpletong nutrisyon ay nagbibigay ng mataas na energy at lakas para sa buong araw na trabaho. Mainam ang pagkain ng sweet potato, corn, yam, beans, legumes, carrots, asparagus, cauliflower, broccoli at kalabasa. Ang madadahon na gulay naman ay nakakatulong sa masiglang daloy ng dugo.
- Kumain ng sapat na pagkain. Iwasan ang magpalipas ng gutom. Tandaan na ng lakas at energy ng katawan ay nagmumula sa pagkain.
- Simulan ang araw sa pag-eersisyo. Malaking tulong ang 15 minuto na paglalakad para pagpawisan at malagay sa tamang kondisyon ang katawan.