PINAS

Sunshine Cruz naiinip na sa annulment nila ni Cesar Montano

Ni: Beth Gelena

SINABI ni Sunshine Cruz na naiinip na siyang ma-annul ang kasal nila ng ex-husband na si Cesar Montano.

Ayon kay Sunshine, four years na naka-file sa korte ang kanilang annulment ng aktor, pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw desisyon.

Aminado ang aktres na may nagpapaligaya na sa kanyang guy ngayon, si Macky Mathay.

Dahil may kanya-kanya na silang buhay ni Cesar hangad ni  Sunshine ang freedom nila sa isa’t isa nang sa ganun ay makapag-move on na siya completely.