Ni: Vick Aquino Tanes
ALAM niyo bang ang homesick ay isang sakit na kadalasang nadarama ng mga taong nangingibang bansa upang magtrabaho? Ito ay mahirap sa umpisa ngunit nakakasanayan na rin habang tumatagal dahil kailangan para sa kinabukasan ng pamilya.
“I Miss my family,” ito palagi ang naririnig sa mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, partikular na ang mga Pinoy na masasabing tunay na matiisin para sa pamilya. Alam niyo bang maraming dahilan kung bakit nangingi-bang bansa ang mga Pinoy?lam niyo bang ang homesick ay isang sakit na kadalasang nadarama ng mga taong nangingibang bansa upang magtrabaho? Ito ay mahirap sa umpisa ngunit nakakasanayan na rin habang tumatagal dahil kailangan para sa kinabukasan ng pamilya.
Mahirap talaga tumira sa isang malayong lugar lalo na’t wala tayong kasamang kapamilya o kamag-anak. Halos araw-araw tayo malungkot at minsan pa ay hindi makakain. Homesickness ang pinakamabigat na kalaban ng isang OFW.
Para sa pamilya at pansarili ang kadalasang mga dahilan ng pag-alis ng mga Pinoy. Para sa sarili upang makilala ang tunay na kakayahan kaya sa ibang bansa hahanap ng trabaho dahil posibleng hindi makita sa bansa ang nais na trabaho at dahil na rin sa malaki ang kita sa ibang bansa kaya nagtitiyaga ang isang OFW na tunay na dahilan ng mga umaalis ng bansa.
Naisin man natin na umuwi na lang at makasama ang pamilya ay hindi natin magawa dahil kailangan magsakrapisyo para sa ikakaganda ng kanilang buhay at ikauunlad ng kanilang pamilya.
Kailangang may isang kaanak na mag-suffer para makaahon ang pamilya. Kaya naman todo dramahan at iyakan at kwentuhan ang naririnig kapag nagkakausap na sila sa telepono.
Ngunit iba na ang panahon ngayon, marami nang gadgets, may internet na, computers kaya madali nang makausap ang mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar. Puwede pa nga kahit oras oras ay makakausap mo sila dahil na rin sa teknolohiya.
Sa kabilang banda, narito ang aking tips upang labanan ang homesickness kahit pa may teknolohiya na sa pali-gid.
Gawin mong busy ang sarili. Kapag abala ka ay pansamantalang hindi mo muna maiisip ang pamilya dahil kailangan gawin ang trabaho. Marahil narinig niyo ang ganitong payo na mag-trabaho hanggang mapagod para mawalan ng oras sa kakaisip tungkol sa pamilyang nasa malayo.
Mamasyal din pag may time. Hindi kailangang magpakahirap sa trabaho, i-relax mo rin ang iyong sarili. Tiyak naman na may day off ang trabaho mo kaya give time to yourself. Bigyan ng pansin ang bansa na inyong pinagtatrabahuan. Subukang i-explore ang lugar na pinagtatrabahuan. Parang nag-aral ka na rin ng geography.
Makisali sa Filipino Community. Makisalamuha sa mga kapwa Pinoy. Isa itong mabisang paraan para ikaw ay magkaroon ng kausap. Maaari rin silang magbigay ng payo tungkol sa kung paano ang pamumuhay sa dayuhang bansa.
Be friendly. Tandaan, ikaw ay dahuyan sa ibang bansa kaya dapat na pairalin ang pagiging friendly dahil baka mapag-interesan ka dyan dahil masungit ka.
Pray first. Kailangan na palagiang magdasal. Pagpapasalamat sa mga biyaya at paghingi ng kalinga at gabay. Mainam na hanapin ang mga simbahan na malapit sa pinagtatrabahuan. Nakapasyal ka na, nakasimba ka pa.