PINAS

US Pres. Donald Trump, suportado ang paghihigpit ng sistema ng background checks sa may-ari ng mga baril sa Amerika

Pinas News

SUPORTADO ni US President Donald Trump ang panukalang batas na maghihigpit sa sistema ng background checks sa mga may-ari ng mga baril.

Ayon kay White House Press Secretary Sarah Sanders na mahalaga umano ang magkaroon ng mahigpit na federal background check system.

Ang nasabing panukala ay una ng inimungkahi ni Republican Senator John Cornyn noong nakaraang taon.

Muli namang nabuhay ang panukala matapos maganap ang School Shooting sa Florida na ikinasawi ng 17 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.