Ni: Beth Gelena
KAYA pala na-cancel ang show ni Vice Ganda sa Vigan dahil na-undergo kidney stone surgery siya.
Maraming nadismayang fans si Vice dahil sa biglaang pagkansela. Dapat kasi ay nasa Kannawidan Festival sa Vigan, Ilocos Sur ang Unkabogable Phenomenal Star.
Humingi ng paumanhin si Vice at para wala nang marami pang tanong ay naglabas sila ng announcement sa Facebook page ni Vice.
“Severe abdominal pains” ang It’s Showtime host kaya kinailangan niyang maoperahan agad. Once recovered, Vice will re-schedule his visit in Ilocos Sur.”