Pinas News
‘Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Masyadong gasgas na sawikain ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal ngunit ang pagpapakahulugan ay malalim pa rin. Matayog yata ang pangarap ni pepe sa bayan kung ang kabataan ang mangunguna upang lutasin ang matagal nang problema sa lipunan, ang kahirapan, pagkakaiba ng mahirap sa mayaman at iba pang isyu. Di rin katakataka kung ibubuhos ng gobyerno ang pinakamalaking pondo para sa edukasyon upang sa hinahahrap ang mga mag-aaral ay maging produktibo at makatulong sa pag-asenso ng bayan. Ito ang parehong mithiin ng sambayanan kung saan dito rin napupunta ang buwis na pinagtulong-tulungang ambag o buwis upang matulungan ang nakababatang mga Juan ng bayan.
Sumatutal, umaasa ang samabayan sa mga kabataang nag-aaral sa mga pampublikong paaralan na makapag-aral at mag-aral ng maayos. Pero sa ginawa ng ilang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na mag-walk out sa kani-kanilang klase nitong nakaraang linggo ay di nagustuhan ng ilang netizens.
Dismayado raw kasi ang mga nasabing mag-aaral sa pagpasa ng administrasyon sa TRAIN Law, panggigipit umano ng gobyerno sa Rappler at iba pang mga isyung panlipunan yan ang dahilan ng kanilang pag-walk out sa kanilang klase. At nagbanta pa na masusundan pa ito ng mas malawakang welga kung di ito tutugunan ng pamahalaan.
Tumugon naman ang pangulo pero di sa pagpabor sa nais nila kung di pagbabanta rin na posible silang matanggal sa kanilang eskwelahan kung mauulit pa ito at ipapalit ang mga kabataang Lumad na nais makapag aral sa nasabing unibersidad.
Kung nabubuhay pa kaya si Rizal, ano kaya ang masasabi niya sa ginawa ng kabataan? Matutuwa kaya siya sa tila pagsasawalang-bahala ng mga estudyanteng ito sa kanilang klase, na sa halip magpakadalubhasa sa kursong pinili ay mas pinili pang mag-ingay sa welga?
Babalikan yata sila ng isa ring gasgas na kasabihan ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy na ‘Huwag mong tanungin kung ano ang magagawa ng gobyerno mo sayo, ang tanungin mo ay kung ano ang magagawa mo sa gobyerno mo.’
Bakit di naisip ng mga batang ito na sa halip na magwelga ay makipagdayalogo, humingi ng panahon sa pangulo upang mapa-usapan ang mga isyung nais linawinat iba?
Hindi ba’t mas magandang daanin sa maayos na usapn kaysa sa negatibong pamamaraan? Kayo kabataan naisip niyo ba ito?