Pinas News
HANDANG ipamigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga slots ng mga aktibistang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas para sa mga Lumad na gustong makapag-aral sa nasabing paaralan.
Sa halip kasi na mag-aral ang mga tinaguriang iskolar ng bayan ay nag-walk out ang mga ito at nagwelga laban sa administrasyon at tuligsain ang ilan sa mga panukalang batas na isinabatas ng pangulo tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang pag-revoke sa lisensya ng Rappler at iba pang usapin.
Ayon sa pangulo na salitang Bisya na isinalin sa wikang Ingles,
“These UP students keep on walking out of their class. Earlier, they walked out of their class. Fine. Those who don’t want to go to school, get out, because I will bring the bright native people there. I will enroll them there. Many Filipinos want a good education.”
“So those who keep on demonstrating, don’t walk out of your classrooms. I will give you a privilege. Don’t go to school for a year because I will let all Filipinos, who weren’t able to get good education, get in. It’s free. So those who are bright, those bright Lumad, especially in Mathematics, I will let you enter UP,” dagdag ng pangulo.
SAGOT NG KABATAAN PARTY LIST
‘MAS malawak na pagwawalk-out at pagwewelga ang gagawin ng mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.’
Yan ang mabigat na pagbabanta ng KABATAAN Party list sa administrasyong Duterte dahil sa binitiwang banta rin ng pangulo sa mga uulit pa na magwawalk-out sa kanilang pasok para magsagawa ng welga. Ayon sa pangulo kapag naulit pa ang pagwewelga ay patatalsikin niya ang mga estudyanteng ito at ipapalit ang mga Lumad na nais makapag-aral.
Hindi nagustuhan ni KABATAAN Party list Rep. Rep. Sarah Elago ang pahayag na ito ng pangulo at sinabi niyang,
“Duterte can only shake at the growing resistance to his attacks on the youth. Duterte’s knee-jerk reaction only proves that the youth has successfully registered their indignation against his anti-people policies and increasing fascist inclination.”
Dagdag pa asahan na ang tinaguriang ‘National Day of Walkout’ na inihanda ng mga aktibistang mag-aaral na gaganapin sa Pebrero 23, 2018.
TUGON NG MGA AKTIBISTANG MAG-AARAL SA UP
Hindi rin nagustuhan ng oraganisasyon sa University of the Philippines Diliman na The Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) ang banta sa kanila ng pa-ngulo.
“If there is anyone who needs to give up his slot, it is none but Rodrigo Duterte himself. He and his allies can only expect bigger and bigger protests,” ayon sa STAND UP.
“Duterte has the gall to say that he will provide university slots to Lumads, yet only months prior he has unaba-shedly threatened to bomb Lumad schools in Mindanao, along with sending military troops to their communities, harassing them and causing them to evacuate from their ancestral lands,” dagdag ng STAND UP.
DEPENSA NG MALAKANYANG
Suportado umano ni Pa-ngulong Duterte ang kala-yaan sa pamamahayag pero hindi sa mga estudyanteng di pumapasok sa kani-kanilang klase. Iyan ang pahayag ng Malakanyang matapos magbanta si Pangulong Duterte sa mga aktibistang mag-aaral.
“Hindi po ipinagbabawal ang malayang pananalita, hindi po ipinagbabawal ang rallies. Ang ayaw lang ni Pre-sidente, iyong mga walkouts dahil sayang naman iyong kaban ng bayan na binabayad ng mga ordinaryong mga mamamayan kung sasayangin lang ng mga estudyante,” pahayag ng dating propesor at tagapagsalita ng pangulo na si Atty. Harry Roque.
PANANAW NG MGA MAMBABATAS
Sa isang panayam nagbi-gay ng pananaw si Sen. Richard Gordon kaugnay sa isyu ng mga aktibistang taga-UP.
Aniya dapat ay tupdin ng mga ito ang kanilang responsibilidad bilang paaralin ng bayan.
“The president is just advising them in a very stern way. They are our nation’s scholars. They get quality education for a little amount. Many would like to get into UP every year,” ani Gordon.
“The president is just disappointed at the fact that it’s difficult to get into UP yet the students are not attending their classes,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian tungkulin ng mga mag-aaral na mag-aral upang mgaing produktibo at balang araw ay makatulong sa bayan.
“Voicing out opinions should be conducted responsibly and fairly, It should be conducted during off school hours so that others will not be disturbed or distracted,” ani Gatchalian.