Pinas News
Umaabot sa 49 katao ang patay mataposĀ bumagsak at nasunog ang isang eroplano sa Kathmandu Airport.
Bago ang insidente, namataan ang eroplano na lumanding sa maling direksyon sa runway nang airport sa halip na sa timog na bahagi nang runway dapat lumapag ang eroplano ay lumihis ito at bumagsak sa hilagang bahagi.
Sa Estados Unidos
Patay ang lahat ng pasahero ng isang chopper matapos itong bumagsak sa East River malapit sa Roosevelt Island.
Mapalad namang nakaligtas ang piloto na naniniwalang aksidenteng napindot nang isa sa mga pasahero ang fuel shut off button ng chopper kaya raw bumagsak ang naturang chopper.
Ito na ang pangatlong crash incident na naitala sa ilalim ng Liberty Helicopters.