PINAS

49 patay sa isang plane crash sa Nepal

photo credit:Time

Pinas News

Umaabot sa 49 katao ang patay matapos  bumagsak at nasunog ang isang eroplano sa Kathmandu Airport.

Bago ang insidente, namataan ang eroplano na lumanding sa maling direksyon sa runway nang airport sa halip na sa timog na bahagi nang runway dapat lumapag ang eroplano ay lumihis ito at bumagsak sa hilagang bahagi.

  • Agad namang narescue at naisugod ang 22 survivors nang flight BS 211 na pagmamay ari nang US Bangla Airlines.

    Sa Estados Unidos

    Patay ang lahat ng pasahero ng isang chopper matapos itong bumagsak sa East River malapit sa Roosevelt Island.

    Mapalad namang nakaligtas ang piloto na naniniwalang aksidenteng napindot nang isa sa mga pasahero ang fuel shut off button ng chopper kaya raw bumagsak ang naturang chopper.

  • Ngunit agad namang nanawagan si US Sen Chuck Schummer sa Federal Aviation Administration na pansamantalang suspendehin muna ang operasyon ng Liverty Helicopters.

    Ito na ang pangatlong crash incident na naitala sa ilalim ng Liberty Helicopters.