Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
SA iyong pakikipaglaban sa pagitan ng laman at espiritu, huwag kang magtaka at magulat sa nangyayari sa iyong buhay. Gaya ng sinabi ko, ito ay bahagi at sangkap ng ating espirituwal na paglago. At ito ay bahagi at sangkap ng ating kaganapan sa espirituwal habang tayo ay lumalakad na kasama Siya.
ANG PAGBISITA NG APOY
Sa katunayan, kapag ikaw ay nakapasok sa Kingdom Nation bilang bagong mamamayan ng Bagong Tipan, kailangan mong tanggapin ang apoy na bibisita sa iyong buhay. Sabihin mo sa iyong sarili, “Ito ay kailangan ko upang makilala ko ang aking sarili.” Katulad ng hindi mo alam kung sino ka bago dumating ang apoy. Bago ang apoy, hindi mo alam kung sino ka. Ang akala mo ay puno ka ng pananampalataya, na puno ka ng pagsusunod at puno ng katapatan. Hanggang sa ikaw ay binisita ng apoy at pagkatapos yaon ay nagbago ang lahat: mula sa pagiging masunurin ikaw ay naging masuwayin; mula sa pagi-ging tapat, ikaw ay naging mapang-usig. Anong nangyari sa’yo? Ikaw ay nasunog ng apoy. Ang satanas ngayon ay nasa tabi mo na at ikaw ay pumapanig na sa kanya.
Marami ang nanggaling sa Kaharian na dati ay pinupuri ang Amang Makapangyarihan, ngunit ngayon ay nasa labas na sila ng bakuran ng Kaharian, nag-uusig at nag-aakusa sa ministeryo ng Kaharian na siya naman ang nais ng diayablo na gawin nila. Kaya sila ay natalo sa laban. Gaya ng sinabi ko mula pa sa simula, iyon ay bahagi at sangkap ng ministeryo ng Kaharian. Habang tayo ay nananalo sa laban sa espirituwal sa pagbabalik-loob ng libu-libong mga kaluluwa na dati ay nasa teritoryo ng kadiliman at gumagawa ng kanilang sariling kalooban sa ilalim ng impluwensiya ng serpiyente, mayroon ding hindi nanagumpay sa loob ng Kaharian.
Espirituwal na paglago
Dahil ako ay lumakad nang mag-isa, ako ay maaari lamang na maging iyong gabay ngunit hindi maaring ako ang magpapasiya para sa iyo. Hindi maaring ako ang uusugin para sa iyo. Hindi maaa-ring ako ang aakusahan para sa iyo. Hindi maaring ako ang lalakad sa apoy para sa iyo. Ako ay maaari lamang maghintay sa dulo ng iyong pakikipaglaban, manalangin at hikayatin ka na magpatuloy at gamitin ang iyong kalayaan sa pagpili upang ikaw ay makalagpas at sa huli ay magtagumpay sa anumang nararanasan mo sa espirituwal na paglakad sa iyong espirituwal na paglago na gaya ng sinasabi ko. Hanggang sa maabot mo ang pinakadulo at mauunawaan mo at pasasalamatan ang Ama at sabihin sa kanya “Pastor, ngayon nauunawaan ko kung sino ka. Ngayon, nauunawaan ko kung ano ang nararamdaman mo.”
Ito rin ang nangyari sa akin nang maabot ko ang wakas ng tugatug ng espirituwal na paglago nang tawagin ako ng Ama, “Ngayon, ikaw ang aking Anak.” Ngayon nauunawaan ko ang eksaktong damdamin ng Ama dahil ini-lagay Niya ako sa Kanyang posisyon habang aking nakuha at minana ang lahat ng Ka-nyang pag-aari, ang Kanyang mga Salita. Ako ay naging Anak at minana ko ang lahat. Ako ngayon ay nasa posisyon ng Ama na nakatuon sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya ako ay nakatutok lamang sa paggawa ng Kanyang kalooban. “Ako at ang aking Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ito ang relasyon ng Ama at Anak.
“Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 14: 8-10). “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko “(Juan 14: 6). Ngayon nauunawaan ko ang kalooban ng Ama dahil hindi ito kailanman nauunawaan ng sinuman dahil Siya ay naninirahan na ngayon sa akin. Ako ang Kanyang templo at ang buhay ng Ama ay nasa akin. Ako ang Kanyang laman. Ako ang Kanyang katawan. Siya ang aking Espiritu. Siya ang aking Ama. At Siya ang aking Diyos. Ang kanyang nararamdaman ay siya ring aking nararamdaman. Ang nakapagpapasaya sa Kanya ay nagpapasaya rin sa akin. Ang nagpapalungkot sa kanya ay nagpapalungkot din sa akin. Kagaya rin ito ng relasyon ko para sa lahat ng Kanyang mga anak, mga anak na lalaki at babae ng Makapangyarihang Ama, ka-tulad mo. Tayo ay iisa. Ako ay nasa iyo. Ikaw ay nasa akin. At tayo ay iisa sa harap ng Ama.
Ang Ama at Anak ay iisa
Kaya hindi mo na inuuna ang iyong sarili. Ang lagi mong isinasaalang-alang ay ang nararamdaman ng Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Sa bawat disisyon, mga konsiderasyon na iyong ginagawa sa iyong buhay, lagi mong sasabihin “Ano kaya ang mararamdaman ng Anak kung ito ay aking gagawin?” Sapagkat anuman ang nararamdaman ng Anak dito sa sanlibutan ay ganun din ang nararamdaman ng Ama, dahil ako at ang Ama ay iisa.
Ito ang ibig sabihin nito. Kapag pinupuri mo ang Anak, pinupuri mo ang Ama. Kung hindi mo ako pinupuri, hindi mo ako pinupuri hindi mo pinupuri ang Ama. Tulad ng sinabi Niya sa Juan 5:23, “Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya’y nagsugo.”
Ang ginagawa mo sa akin ay siya ring ginagawa mo sa Ama. Kapag ako ay ginawan mo ng masama o mabuti man, kapag ako ay iyong inusig, inakusan mo, hindi ako ang siyang inuusig at inaakusahan mo kundi ang inuusig at inaakusahan mo ay ang Ama. At isang araw ay tatayo ka sa Kanyang harapan. Ako ay naroon, hindi mo ako tinanggap. Hindi mo ako pinapasok. Ngunit ako ay iyong inusig. Ako pa ay iyong inakusahan.
At ang mga hangal na ito na minsan ay kasama natin ay sasabihin, “Kailan namin ginawa iyon?” Pagkatapos ay ituturo nila Ako, “Kung ginawa mo ito sa Kanya, ginawa mo rin ito sa akin.” Kaya paano mo mapapaunawa ang mga taong mangmang sa espiritu na mauunawaan nila ang mga bagay na alam na nila. At Kanyang sinabi, Ako ay nagpapaha-yag, ito ang boses ng Ama. Ngunit sila ay nagpatuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Sapagkat sila ay naging personal at nabigo na maging espirituwal. Hindi nila kayang ituring na espirituwal ang lahat ng bagay.
Tumanggi silang msunog ng apoy. Tumanggi silang masunog ang kanilang pagiging karnal. Tinanggihan nilang masunog ang kanilang natural na kaisipan. Upang mapalitan ito, dapat nilang tanggapin ang espirituwal na kaisipan at espirituwal na buhay ng Ama upang makita nila ang lahat ng bagay sa espirituwal na pananaw.n
(Itutuloy)