Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG kahubaran ay nagpapatungkol sa kahirapan. Sa pag-lilingkod sa Ama, maaari kang makaranas ng kahubaran at kahirapan. Naranasan ko iyon. Kumain ako ng saging sa loob ng limang taon. Iyon ang halimbawa ng kahubaran.
Nang magpasiya akong sundin ang kalooban ng Ama, dumating ako sa punto ng a-king pagsusunod sa Kanyang Kalooban na kailangan kong magdusa sa gutom at kahubaran. Iyon ay isang anyo ng apoy.
Habang ang mundong nakapaligid sa iyo ay nagtatamasa ng kasaganaan, kaginhawahan at kaluwagan, naroroon ka sa kanilang kalagitnaan, sa kahirapan, sa mga kapighatian, sa mga balakid, sa mga pag-uusig. Ito ay apoy na nakapaligid sa iyo; at madali para sa iyo na gamitin ang iyong kalayaan sa pagpili na lumipat mula sa kung saan ka, patungo sa kabilang panig kung saan may kaginhawahan at kaluwagan. Kung gayon, ano ang gagawin mo sa mga sandaling iyon kapag bumisita sa iyo ang apoy? Nasa iyong kalayaan ang pagpili.
Kung tatanungin mo ako kung bakit nandito ako ngayon, ang katwiran ko ay napakalinaw. Nagpasiya akong manatili.
Kung minsan sa iyong pag-lilingkod sa Ama, sa pagsunod sa Kanyang Kalooban, maraming tao ang magbabanta sa iyo ng kapinsalaan o tabak. Maraming tao ang magbabanta sa iyo ng kamatayan.
Maraming tao ang magbabanta sa iyong seguridad at aakusahan ka. At ako ay inakusahan ng maraming beses. Sila ay nagbanta sa akin ng maraming beses. Iyon ay bahagi ng laro. At ito ay bahagi ng espirituwal na teritoryo kung nasaan ka ngayon. Kaya, huwag kang magulat kung ang lahat ng mga bagay na ito ay mangyayari sa iyo, sapagkat ito ay bahagi ng espirituwal na teritoryo kung saan ka nabibilang ngayon.
Romans 8:36 Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan
Para bagang ikaw ay walang kalaban-laban. Para kang walang pag-asa ng kung anong uring seguridad dahil ikaw ay nag-iisa sa mga espirituwal na laban na iyong dinaranas.
v-37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
Walang anuman sa ating buhay na makapaglalayo sa atin sa paggawa ng Kanyang kalooban. Walang makahihiwalay sa atin, hindi sa alinman sa mga bagay na ito na inilarawan ni Pablo na apostol.
v-38 Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating…
v-39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Pa-nginoon natin.
Tayo ay higit pa sa mga manlulupig. Walang makahihiwalay sa atin.
Mula kay Saul na taga-usig, ay naging Apostol na pablo
“At sa kaniyang pagla-lakad, ay nangyari na siya’y malapit sa Damasco: at pagdaka’y nagliwanag sa pa-libot niya ang isang ilaw mula sa langit: At siya’y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya’y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako’y si Jesus na iyong pinaguusig: Nguni’t magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin. At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay na-ngatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa’t walang nakikitang sinoman. At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Da-masco. At siya’y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man”. (Mga gawa 9:3-6)
At pagkatapos ay naranasan din niya ang parehong pananampalataya na nararanasan ng kanyang inuusig noon nang siya ay si Saul na taga-usig pa. Siya ngayon ay naging si Pablo na apostol. At ginamit niya ang ka-nyang kalayaan sa pagpili na magpatuloy sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Kaya’t masasabi niya na “Tayo ay higit pa sa mga manlulupig.” Sabi niya, “Wala sa mga ito ang makapaghihiwalay sa atin, ni ang buhay, ni ang kamatayan, ni ang mga pamunuan, ni ang kapangyarihan, ang mga bagay na darating, ang mga bagay na naroroon, ni ang mga bagay sa hinaharap at anupaman; pag-uusig, pag-kabalisa, kahubaran, panga-nib, tabak. “Walang makahihiwalay sa atin. Sinabi niya, “Tayo ay higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin.”
Bakit nasasabi ni Pablo ito? Dahil sa kanyang kalayaan sa pagpili. Ngayon, tayong lahat ay nasa parehong bangka kasama ni apostol Pablo, dahil tayo ang katuparan ng Luma at Bagong Tipan na nagpasimula sa Hinirang na Anak.
Palakasin ang iyong kalayaan sa pagpili
Kaya ano ang aking desisyon sa lahat ng ito? Ginamit ko ang aking kalayaan sa pagpili upang ipagpatuloy ang labang ito at ang espirituwal na paglalakbay hanggang sa maabot ko ang tuktok ng tagumpay. Si Satanas na si Lucifer ang diyablo ay nalupig sa wakas.
Nang tuksuhin ng diablo si Job, hindi sumuko si Job sa tukso, hindi tulad ng nangyari sa kanyang asawa. Hindi iyon ginawa ni Job. Sa huli siya ay naging matagumpay at nalampasan niya, at dinaanan ang apoy ng pag-uusig at kapagsubukan. Ito rin ay mangyayari sa ating lahat.
Ang pag-uusig ay bahagi ng laro. At pagkatapos mong mapagtagumpayan ang iyong Tamayong, pagkatapos ay maging isang anak na lalaki o anak na babae na ibinigay sa mundo, upang lumahok sa pakikihamok ng Kaharian ng Ama ng Rebolusyon sa Espiritwal, Rebolusyon sa Pananalapi at Rebolusyon sa Pagkamahusay. Sa pamamagitan yaon at ng iyong paglago, maaari mo nang mapagtagumpayan ang buong mundo sa kung anong mayroon, higit pa sa kung ano ang mayroon ka, ang mundo. Iyan ang dahilan kung bakit may isang awit na nagsasabing, “Mas higit Siya na nasa akin kaysa sa nasa sanlibutan.”
(Itututloy)