Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
MAY panahon na ang apoy ay bibisita sayo sa pamamagitan ng pagtutuwid, sa anyo ng isang bagay na maaaring hindi mo ito magugustuhan, sapagkat ito ay mahirap at matindi. Ngunit gayunpaman, gamitin mo ang iyong kalayaan sa pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama at sabihin mo sa Ama, “Ito ang Iyong kalooban. Ito ay para sa aking sariling kabutihan. Ito ay para sa aking sariling espi-rituwal na paglago. Ipapasakop ko ang aking sarili sa Iyong kalooban anuman ang mangyari.”
ANG APOY AY PAGTUTUWID
Ganito ang nais ng Ama na maging reaksiyon natin, ngunit hindi lahat ay may ganitong uri ng pag-iisip. Kaya kapag pumasok ka sa Bansang Kaharian at tinutuwid ang mga mali mong ginagawa, huwag mo itong ituring na personal. Ang lahat ng ito ay espirituwal. Nais ng Ama na lumakad ka sa Ka-nyang perpektong kalooban, na lumago ka hanggang sa mapuno ka ng kaalaman ng Anak ng Diyos at samahan mo ako sa pagkikiisa sa pananampalataya kung saan magkakaroon tayo ng parehong antas ng paglago . Kaya mapagkakatiwalaan na tayo ng Ama sa paggawa ng Kanyang kalooban anuman ang ating ginagawa.
EPESO 4:13-14;
v13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: v14 Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon at dinadala na pabalik-balik ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; Dahil dito, tayo ay hindi dapat manatili na bilang bata. Ang pagtutuwid, disiplina, at apoy na bumibisita sa atin ay nagpapatubo sa atin at hinahanda tayo na harapin ang mga hamon at mga pagsubok sa buhay na mas malakas, mapagkakatiwalaan sa Ka-nyang paningin, hanggang magpasiya Siyang kunin ka niya bilang mga anak, anak na lalake at babae.
Hindi niya gusto ang mga bata na hindi hahantung sa pagiging anak na lalake at babae na pagkakatiwalaan sa gawain ng Ama na mahihina ang utak at espiritu. Iyon ang dahilan kung bakit mayroong mode- lo. Ako ang iyong modelo. Ako ang iyong pamantayan. Sinabi ko na sa inyo ito noon. Ang tao ay maaaring pipiliin niyang gawin ang kalooban ng Ama o piliin niyang gawin ang kanyang sariling kalooban. Tandaan mo na kapag ginawa mo ang iyong sariling kalooban, ikaw ay nasa
pagkaalipin. Kapag ginawa mo ang kalooban ng Ama, ikaw ay tunay na malaya.
Sa katunayan kung naintindihan mo ang lalim sa pag-lakad sa espirituwal kasama ang ating Makapangyarihang Ama, dapat kang maging handa na tanggapin ang Ama sa iyong buhay. Kung may anumang bagay na kailangang mong sunugin, dapat mo itong sunugin. Ang tanging bagay na dapat manatili sayo ay ang ginto na nasa iyo. Ang iyong pag-aalay ay dapat na maging ginto. Nangangahulugan ito na kahit anong pagbisita sa iyo ng apoy, ang iyong kalayaan sa pagpili na sundin ang kalooban ng Ama ay permanente mong pinagpapasyahan. Ako ang iyong modelo para sa bagay na yan.
ANG APOY MO AY MAS NAGIGING MADALI
Ang apoy na iyong nararanasan ngayon ay wala ni isang ikasampu sa apoy na aking napagdaanan. At ako ay katulad mo ring nagmula sa bumagsak na Adamic race. Ang ibig sabihin nito kung ginawa ito ng Ama sa akin at nakaligtas ako at nagtagum-pay ay, ano pa kaya sa iyo? Ngayon mas madali para sa mga Kingdom Citezens na dumaan sa apoy dahil nakita na nila ang mga pagpapalang binuhos ng Ama sa ministeryo ng Kaharian sa buong mundo.
Nang tawagin ako ng Ama na maging Kanyang panganay na Anak sa espi-ritu ng pagsunod sa Kanyang kalooban, wala akong nakikita. Ako ay mag-isa. At walang ipinangako sa akin sa hinaharap na aking makikita o maa-asahan. Ang tanging bagay na ginawa ko ay lumakad na kasama ang Ama ‘one day at a time’. Hindi ko nakita itong mga bagay na nakikita niyo ngayon.
Ngayon nakikita niyo na nang malinaw kung saan ang direksyon ng ministeryo ng Kaharian kaya mas madali na ngayon para sa mga anak, anak na lalake at babae na pumasok sa Kaharian. Ang kailangan lamang nilang gawin ay magpasakop sa mga pagtutuwid at disiplina ng Makapangyarihang Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak sa paglilinis at pagpapadalisay. At mas madali na para sa inyo na maabot ang tuktok ng ikatlong antas ng paglago sa pagiging anak na lalaki at babae ng Amang Makapangyarihan sa lahat.
At kapag naabot na ninyo ang tuktok, ikaw ay magiging malaya at ikaw ay magiging “isang Anak na inalay”. Ang pagtutuwid, ang apoy na nagmumula sa mga sirkumstansiya sa iyong paligid ay hihinto na at maaari ka nang ipadala ng Ama o ibigay sa kung saan ka maaaring gamitin sa gawain ng Kingdom.
Kaya ngayon, ang apoy na bimisita sa iyo sa iyong Tamayong ay siya ring apoy na bibisita sayo sa mas ma-laking mundo na nasa labas. Ngunit dahil ang iyong reaksyon habang ikaw ay nasa iyong Tamayong ay sumunod sa Kanyang Kalooban sa pamamagitan ng iyong kala-yaan sa pagpili, magkakaroon ka rin ng parehong reaksyon kapag ang Ama ay ipapadala ka na at kapag ikaw ay nasa ganyang parehong mga sitwasyon.
Mahaharap mo ang parehong diyablo na hinarap ko dati. Natalo ko ang diyablo sa pamamagitan ng aking kalayaan sa pagpili at nakamit ko ang espirituwal na kalayaan. Ginagamit ako ng Ama upang ibahagi ito sa lahat ng Kanyang mga anak, mga anak na lalaki at babae ng Ama na Makapangyarihan sa lahat ngayon. Kaya sa iyong laban sa pagitan ng laman at espiritu, huwag kang magulat at ma-bigla sa nangyayari sa iyong buhay. Tulad ng sinabi ko, ito ay bahagi at sangkap ng ating espirituwal na paglago habang lumalakad tayo na kasama Niya.
(Itutuloy)