Pinas News
Idinaan na lamang sa biro at pagpapatawa ni Billy Crawford ang memes ng netizens tungkol sa telang ginamit sa mga kasuotan nila ng fiancee na si Coleen Garcia para sa kanilang prenup shoot sa Simien Mountains sa Ethiopia, Africa.
Puno sa batikos ang pre-nup photos nina ni Billy at Coleen na kanilang ipinost sa instagram.
Dahil sa “cultural insensitivity” umano ng mga ito matapos na ginawang “props” ang mga locals sa iilang mga photo shoots ng dalawa.
Ngunit hindi lamang pambatikos ang natanggap ng dalawa dahil nagpost din ang mga netizens ng mga memes tungkol sa kanilang kasuotan.
Ang prints na suot ni Billy ay ikinumpara sa parehong print ng shopping bag, unan at sofa habang kay Coleen naman ay may kahalintulad na unan, backpack at bedsheet.
Idinaan naman ni Billy sa biro ang mga post ng netizens at sunod-sunod na rin ang pagpost nito tungkol sa mga kahalintulad ng produkto sa telang ginamit sa damit ng kanilang isinuot sa prenup shoot.
Biro ng aktor na all around pala ang tela na ginamit niya at maging ang Asian Songbird na si Regine Velasquez ay nakisakay na rin sa biro at nagpakuha na yakap-yakap ang pillowcase na kapareho ng tela ng damit ni Billy.
Nirepost ito ni Billy at sinabi sa kanyang caption na hindi sila nagkamali ng tela dahil official songbird ang telang ginamit sa unan.
Biro pa ni Billy sa mga netizen na pinatay ng mga ito ang career ng kanyang designer na si Ryan Uson.