Ni: Kristin Mariano
SUMMER na! Saan ang getaway mo ngayong taon? Kung wala ka pang plano, hayaan mong tulungan ng Explora na makapunta sa mga tagong paraiso sa Pilipinas na swak sa kahit anong badyet mo.
Dahil sa ganda ng Pilipinas, nabuo ang Explora, isang kompanya na naglalayong mapadali ang pagbabakasyon sa bansa. Pamilyar tayo sa mga lugar bakasyunan tulad ng Boracay, Coron, at Cebu, pero lingid sa kaalaman ng nakararami na napakarami pang magagandang lugar sa Pilipinas na angkop sa isang relaksing na bakasyon. Layunin ng Explora na ipakilala sa publiko ang magagandang lugar sa lahat ng bahagi ng Pilipinas.
Bukod sa mga tourist spots, hangarin din ng Explora na mailagay sa mapa ang lahat ng tourism-related services tulad ng transportasyon, mga kainan, at accommodations upang mas maging madali ang paglalakbay. Sa madaling salita, ang website ng Explora.ph ay isang “one-stop shop” sa pagpaplano at pagbu-book ng lahat ng kailangan sa paglilibot sa isang lugar.
Bayanihan: Magpapa-usbong ng turismo
Itinatag nina JR Felipe at Perry Sumakote ang Explora sa ilalim ng konsepto ng bayanihan kung saan nag-aambag ang bawat isa tungo sa isang layunin. Naniniwala ang dalawa na kapag nagtulong-tulong ang bawat Pilipino, lalago ang turismo sa bansa. Sa panahon ngayon, ang tu-rismo ay isang mayabong na sektor. Kung mayabong ang turismo, magdadala ito ng trabaho sa iba’t-ibang sektor.
Hindi naging madali ang pagtatayo ng Explora. Nais ni JR na magtayo ng sarili niyang start-up company, ngunit nais niya ang isang negosyo na may magandang epekto sa bansa o sa mga Pilipino. Nais niyang magtayo ng kompanya na lulutas sa ilang problema ng mga Pilipino. Isa sa mga problema ng Pilipino ay ang promosyon ng iba’t-ibang lalawigan sa kanilang mga atraksyon.
Hinikayat ni JR si Perry na sumali sa kaniyang kompanya upang maging co-founder at vice president na noon ay nagtatrabaho sa sales and marketing department ng isang kompanya. Si Perry ang naging key player ng Explora na nagpalago dito sa pamamagitan ng sales, marketing, at strategic relationships kasama ng local government units.
Nakikipagtulungan ang Explora sa local government at Department of Tourism ng probinsya at nililibot ang iba’t-ibang mga atraksyon upang maihatid ang eksaktong deskripsyon at importanteng impormasyon sa publiko tulad ng lokasyon, opening hours, at entrance fees. Hatid din ng Explora ang iba’t-ibang klase ng accommodation tulad ng hotels, resorts, at transient rooms. Gamit ang mga nalipon na impormasyon ay gagawa ang Explora ng sa-riling travel website para sa probinsya na naka-link sa mother website ng Explora.ph. Inaalok ng Explora ang development at maintenance ng website at tinutulungan ang probinsya na makahikayat ng mga turista sa lugar.
Sa nakalipas na isang taon, nalibot na ng Explora ang Palawan, Masbate, Mindoro, Marinduque, Cavite, Pangasinan, Cotabato at Romblon. Ang mga lalawigang ito ay matatagpuan sa website ng Explora. Hindi nag-iisa ang Explora sa ganitong hangarin, may ilang kompanya na nag-aalok ng ilan sa mga serbisyo ng Explora tulad ng Traveloka at Tripadvisor, ngunit ang Explora lamang ang may tie-up sa local government ng probinsya at bumababa mismo sa probinsya upang magsiyasat dito.
Ang hinaharap ng Explora at turismo
Hangarin ng Explora na ma-centralize ang turismo ng Pilipinas sa isang website upang mapadali ang susunod mong paglalakbay. Nais ng kompanya na maging “one-stop shop” para sa pagbabiyahe at pagbabakasyon sa ibang lugar. Gamit ang website ng Explora, maaaring magplano ng “trips” para maging hassle-free.
May payo naman si JR sa mga nagnanais na magsimu-la ng sarili nilang kompanya, “Always focus on your goal. Work on goodwill. Always align your goals with stakeholders, partnerships, government (LGU, DOT). Expand your network. Collaborate. Ensure your company as values-centric.”
Hindi rin naging matipid ang co-founder ng Explora na si Perry sa pagbibigay ng payo lalo na sa mga taong nag-iisip na iwanan ang kanilang kasalukuyang trabaho at magsimula ng isang start-up company. Ibinahagi nya ang kanyang limang hakbang na kailangan sundin upang magsimula ng negosyo.
- Do what makes you happy. Always follow your heart.
- Follow 5/25 Rule. Just focus on the things that really matters. Law of elimination.
- Surround yourself with positive energy. That includes people, all the nicest things you can think of. Law of attraction.
- Keep your values intact. Be grateful.
- Always have the right attitude. You can do it! Law of positivity.