Pinas News
BORACAY Island may pagkakataon pa ang mga turistang banyaga maging ang mga pinoy na bumisita sa isla ng Boracay ngayong summer season.
Base sa order ng Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force na kinabibilangan ng Departments of Environment and Natural Resources, Interior And Local Government, at Department of Tourism, sisimulang isara ang isla sa Abril-26 na tatagal naman ng anim buwan.
Ayon kay DILG Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing III, sa pamamagitan ng Closure Order mapapabilis ang pagsasaayos ng drainage system at sewer lines sa Boracay.
Maliban dito, papapanagutin naman ng pamahalaan ang mga establisyimento na lumabag sa Environmental Laws.
Matatandaan na una ng nagbanta ang Pangulo na isasara ang isla matapos nitong bansagang Cesspool.
Samantala, nakatakda naman umapela ang mga Stakeholders sa Boracay dahil malaking kitang mawawala at liban rito marami rin umanong manggagawa ang mawawalan ng trabaho.