PINAS

Catriona Gray, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines

Pinas News

Naungusan ng model at singer ng Albay na si Catriona Gray ang 39 na iba pang aspirants sa 58th edition ng 2018 Binibining Pilipinas pageant na isinagawa sa Araneta Coliseum kagabi.

Matapos ng ito ay inihayag bilang Miss Universe Philippines na siyang magrepresenta sa bansa sa darating na Miss Universe pageant.

Kabilang sa natanggap ni Catriona ang pitoy moreno best in national costume, best in swimsuit, best in long gown, Miss Ever Bilena at Jag Denim Queen awards.

Nasungkit naman ni Ahtisa Manalo ng Quezon ang Binibining Pilipinas-International Crown habang natanggap naman ng dating runner up na si Jehza Huelar ng Davao City  ang Binibining Pilipinas-Supranational Crown.

Kinoronahan din bilang Binibining Pilipinas –Intercontinental si Karen Gallman ng Bohol habang Binibining Pilipinas-Grand Intenational naman ang napunta kay Eva Patalinjug ng Cebu.