Ni: Beth Gelena
NAAKSIDENTE si Christopher de Leon habang nagti-taping ng teleserye, ang Kambal Karibal ng GMA-7.
Naospital ang aktor sa Asian Hospital kung saan siya ay inoperahan sa hita.
Si Marvin Agustin ang nakaaksidente kay Boyet nang hindi sinasadyang bumaon ang adaptor mula sa baril na ginamit ng una para sa death scene ni Boyet.
Blank bullets ang ginamit sa baril, pero pwede rin palang ikamatay ‘yun.
Natanggal kasi ang adaptor sa baril kung saan bumaon sa hita ng aktor.