Pinas News
NAKAMIT ng lalawigan ng Bulacan ang 17th over-all champion sa ginanap na 5 days sports competition na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2018 na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Malolos City. Ayon sa tala, nagwagi ang mga atletang Bula-kenyo ng 92 na medalyang ginto, 76 na medalyang pilak at 55 na medalyang tanso; pumangalawa naman ang lalawigan ng Bataan na nakapag-uwi ng 49 na gintong medalya, 47 na pilak at 49 na meda-lyang tanso; habang lumagay naman sa ikatlong puwesto ang schools division ng Olongapo City na may 35 na ginto, 35 na pilak at 39 na tansong medalya.
Para sa special awards, itinanghal na Most Disciplined Delegation ang Division of Cabanatuan; Most OrganizedDelegation ang Division of Bataan; at Cleanest, Greenest at Eco-friendly Delegation naman ang Division of Pampanga. Pinagkalooban ang tatlo ng plake ng pagkilala at tig-P10,000 pe-rang insentibo. Sinabi ni Bulacan go-vernor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na tunay na inilalabas ng pagkakapanalo ang kahusayan ng bawat isa ngunit ang pagkatalo ay hindi nangangahulugang katapusan na bagkus ay dapat gamitin ang pagkatalo bilang tuntungan patungo sa tagumpay.
Binigyang diin din ng gobernador na sa darating na Palarong Pambansa 2018 na gaganapin sa Lungsod ng Vigan sa Abril, makikipagtunggali ang mga atleta sa rehiyon 3 bilang isang de-legasyon.