PINAS

CLRAA: 17th over-all champion nakuha ng Bulacan

Pinas News

NAKAMIT ng lalawigan ng Bulacan ang 17th over-all champion sa ginanap na 5 days sports competition na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2018 na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Malolos City. Ayon sa tala, nagwagi ang mga atletang Bula-kenyo ng 92 na medalyang ginto, 76 na medalyang pilak at 55 na medalyang tanso; pumangalawa naman ang lalawigan ng Bataan na nakapag-uwi ng 49 na gintong medalya, 47 na pilak at 49 na meda-lyang tanso; habang lumagay naman sa ikatlong puwesto ang schools division ng Olongapo City na may 35 na ginto, 35 na pilak at 39 na tansong medalya.

Para sa special awards, itinanghal na Most Disciplined Delegation ang Division of Cabanatuan; Most OrganizedDelegation ang Division of Bataan; at Cleanest, Greenest at Eco-friendly Delegation naman ang Division of Pampanga. Pinagkalooban ang tatlo ng plake ng pagkilala at tig-P10,000 pe-rang insentibo. Sinabi ni Bulacan go-vernor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na tunay na inilalabas ng pagkakapanalo ang kahusayan ng bawat isa ngunit ang pagkatalo ay hindi nangangahulugang katapusan na bagkus ay dapat gamitin ang pagkatalo bilang tuntungan patungo sa tagumpay.

  • “Sa pagtutuldok natin sa kumpetisyon na ito na nagbigay sa atin ng malalim na karanasan at naghatid sa atin ng tagumpay nawa ay matutunan din natin na hindi lamang ito tungkol sa panalo  bagkus kahit sa pagka-talo, maaari nating harapin ang daigdig at sabihing ito pala ay isang hakbang tungo sa rurok ng tagumpay, ” sabi pa ni Gov. Alvarado.

    Binigyang diin din ng gobernador na sa darating na Palarong Pambansa 2018 na gaganapin sa Lungsod ng Vigan sa Abril, makikipagtunggali ang mga atleta sa rehiyon 3 bilang isang de-legasyon.