PINAS

Day of mourning, idineklara sa Plaridel, Bulacan kasunod ng plane crash

Pinas News

Idineklara ang Day of Mourning sa Plaridel, Bulacan kasunod ng pagkasawi ng limang mag-anak matapos mabagsakan ng eroplano ang kanilang bahay noong Sabado.

Inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Plaridel Municipal Hall habang nagsuot ng itim na damit ang mga empleyado bilang pagluluksa sa mga miyembro ng pamilya dela Rosa.

Nagdaos din ng misa para sa mga biktima na nakatakdang ilibing ngayong Martes.

Samantala, patay din sa plane crash ang limang sakay ng eroplano.