PINAS

Dingdong, malabong malaos

Ni: Melchor M. Bautista

DALAWANG dekada nang namayagpag ang kasikatan ni Dingdong Dantes sa mundo ng showbiz, at kahit may mga bagong artistang dumarating at sumisikat, hindi pa rin nawawalan ng proyekto ang guwapo at maga-ling na aktor.

Sa pagbabalik tanaw, nagsimula lang siya bilang miyembro ng Abstract Dance Group na noon ay sumikat, sa panahong patok na patok sa showbiz ang mga grupong Streetboys at Universal Motion Dan-cers na nagpaindak sa mga kabataan at sa kahit sino na mahilig sa pagsasayaw.  Nakipagkumpitensiya sa dalawang sikat na grupo ang Abstract, kung saan ay ka-miyembro ni Dingdong ang nag-artista rin noon na si Dino Guevarra.

Bilang isang dating dan-cer, nakita noon ni Dingdong kung paano siya tilian, palakpakan at idolohin ng kanyang mga tagahanga.  Alam sa buong showbiz na may kaya sa buhay ang guwapong aktor, pero siya ang tipo ng anak na walang ugali ng pagmamataas.  Sa katunayan, kung paano siya minahal ng kanyang mga fans ay buong-puso niya rin itong ibinalik ng ganu’n ding pagmamahal.

Nagpasaya dahil sa pagsasayaw

“Hilig ko talaga ang magsayaw,” wika ni Dingdong sa aming panayam.

“Noon kasing mga panahong iyon, na uso na ang mga bagets na sumusubaybay sa ‘That’s Entertainment’ tsaka ‘Ang TV’ ay puro mga bagets din talaga halos ‘yung mga lumalapit sa amin, na humahanga, ganyan…

“Nagulat kami…  Nagulat ako”.

“Kasi, nakakataba pala ng puso na malaman mo na ipakita sa iyo ng mga fans kung paano ka nila mahalin, dahil napapasaya pala namin sila sa pamamagitan ng aming pagsasayaw.  Dahil sa nakita ko, at napatunayan ko. Sabi ko, ‘Wow!’ dahil ang sarap talagang maramdaman.”

“Kaya sa isip ko noon, sabi ko,  Kung napapasaya ko sila dahil sa aming pagsasayaw, ay lalo pa naming gagali-ngan para lalo pa rin naming mapasaya ang mga huma-hanga sa amin.”

Maraming nagmamahal

Mula noon hanggang ngayon, ang pagiging totoo ni Dingdong sa kanyang pagbabalik ng pasasalamat at pagmamahal sa kanyang mga fans, ang siya ring naging dahilan ng paulit-ulit niyang tagumpay sa showbiz.  Dahil mga tatlong beses na ring nakabawi ang kanyang career pagkatapos ng ilang ulit ding sitwasyon ng normal na pag-lamlam sa popularidad ng mga artista.

“’Yun kasing mga taga-hanga na sumusuporta sa akin nu’ng sumasayaw pa lang ako, ay sila rin ‘yung nagpakita sa akin ng suporta nu’ng wala na ang dance group namin,” seryosong pag-alaala ni Dingdong.

“Pagkatapos ng pagsasa-yaw ng grupo, movie career na.

“Naging magka-loveteam kami noon ni Antoinette Taus, at doon na nga nagsi-mula ‘yung medyo pagpapa-cute ko sa pelikula ‘tulad ng dinaanan din naman noon nina Gabby Concepcion at Aga Muhlach.

“Grabe ang mga fans na talagang sumuporta sa akin noon, dahil kumbaga, nangyayari naman talaga sa buhay ng mga artista, na parang and’yan ka, maraming projects. Tapos mangyayari, parang mararambaman mo, hindi ka na ganu’n ka-popular.  Nangyayari talaga”.

“Kasi, mayroong ibang mga bagong dumarating na artista, Bagong uso.  Sisikat.

Marunong magpahalaga sa trabaho

“Ang ipinagpapasalamat ko lang, kahit parang ilang beses ko na nga yatang naranasan iyon, ay paulit-ulit pa rin naman, na nakakabalik ako, hanggang sa heto at sa showbiz na nga ako nakapag-asawa at nagkaroon na kami ng anak, ay narito pa rin ako sa showbiz.  Siguro, dahil mahal na mahal ko na rin talaga at pinahahalagahan ko ang trabaho ko bilang artista.”

Masaya sa buhay may asawa at anak

Pagkatapos ng mga pakikipagrelasyon ni Dingdong sa iba’t-ibang babae, sa huli ay sa magandang Kapuso actress na si Marian Rivera siya ikinasal, kung saan mayroon na silang isang anak, si Baby Zia.

“Maraming magagandang nangyari sa buhay ko, at sa showbiz career ko,” nakangiting pahayag ng guwapong aktor.

“Una nga sa lahat, may suwerte akong nakuha sa field na ito, dahil hindi ako napapabayaan.  Hindi lang ako artista, kundi nakakapag-produce na rin ako ng mga pelikula bilang pagsuporta ko rin naman sa movie industry”.

“Siyempre, isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko at nagpapasaya sa akin nga na mga inspirasyon ko, ay ang aking wife, si Ma-rian at ang aming anak na si Zia”.

“Pareho kami ng wife ko na nasa showbiz, hindi namin iiwan ang trabahong ito hanggang nariyan ang pagsuporta sa amin ng mga taong nagmamahal sa amin.

“Sa maraming bagay, talagang kaya kami ang nagkatuluyan ni Marian, ay dahil sobra kaming nagkakasundo.  Sa pagmamahal sa trabaho, pareho kami ng wife ko na sobrang mahal ang propesyon namin bilang artista.”