Pinas News
PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy ang mga dog at cat owner na maging responsable sa pamamagitan ng pagbabakuna, palaging maayos ang pagkatali at panatilihing malusog ang kapaligiran na tinitirhan ng mga alagang hayop.
Nanawagan ang DOH sa mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alaga lalo na’t nalalapit na ang panahon ng summer.
Dapat na tiyakin ng mga ito na nabakunahan at naitali ng maayos ang kanilang mga aso.
Ipinaliwanag ni Dr. Lyndon Lee Suy kagaya rin ng tao ay nakakaramdam ang mga aso ng maalinsangan na panahon.
At dagdag nito, kadalasan sa mga bata ay nasa kalye na malamang maging biktima ng pangangagat ng mga ito.
Aniya, kapag hindi nabakunahan ang isang aso ay maaari may dala itong rabies.Ang rabies ay isang human infection na mangyari kapag nakagat o nakalmot ng isang infected animal kagaya ng aso at pusa.
Idiniin ng DOH na 100% nakamamatay ang rabies ngunit 100 % naman itong maiwasan.