PINAS

Droga ginawang ‘fake butt cheeks’ para lamang makalusot sa airport

Ni: Ana Paula A. Canua

Natimbog ng Portugal Police ang isang drug smuggler mula sa Brazil na may dalang 2.2 pound na cocaine na itinago sa kanyang likuran upang hindi mapansin.

Ayon sa Portugese Judicial Police pinahinto nila ang kahina-hinalang 40-anyos na lalaki sa Liston Airport matapos mapansin ang likuran nito. Nang suriin at kapkapan, nakita ang 2.2 pounds na cocaine sa kanyang likuran dahilan para ito ay maging maumbok.

Nahaharap sa kasong drug trafficking ang lalaki at nanatili sa Portugal.