Ni: Jun Samson
HINDI pa man pinal ang desisyon ng kamara de representantes kung matutuloy o hindi sa May 14, 2018 ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay kanya-kanyang diskarte agad ang ilang ganid na incumbent at aspiring Barangay Captains. Katunayan ay daan-daang mga flying voters ang nahuli at kinasuhan na sa piskalya.
Tulad halimbawa ng reklamong inihain sa Manila Prosecutor’s Office laban sa mahigit sa dalawandaang flying voters sa Barangay 269 sa Binondo, Maynila. Sa Pasay City ay mayroon ding kahalintulad na insidente na maraming mga hindi residente duon ang nagparehistro sa Commission on Elections.
Ang siste, nabuko na hindi sila lehitimong botante sa mga nasabing lugar, maliwanag na sila ay mga flying voters kung kailanman idaraos ang halalan. Ilan sa kanila ay nagparehistro gamit ang address ng barangay hall, ang iba ay gumamit ng address ng LRT station at ang sigurado ay magpapabayad sila kapalit ng kanilang boto.
Isa lang ang ibig sabihin nito, kung sila ay pakawala ng mga kasalukuyang Chairmen ay nangangahulugan lang na may intensyon talaga sila na mandaya sa eleksyon para manalo at manatili pa rin sa posisyon. Kung sila naman ay pakawala ng mga kakandidato pa lang ay pandaraya din ito at ito ay paglabag sa Omnibus Election Code.
Noong isang linggo lang ay nagbotohan ang mga kongresista at lumitaw sa botohan nila na 14 ang pumabor na i-reset ang nasabing halalan, laban sa dalawang boto lamang na ituloy na ang eleksyon.
Tanong, bakit reset ang gi-namit nilang term, sa halip na postponement? Eh maliwanag pa sa sikat ng araw na kapag iniurong ang petsa ay postpone ang tawag dun ‘di ba? Allergic na kasi ang sambayanan sa salitang postponement dahil sa paulit-ulit na pagpapaliban nito? Ganun ba iyun? Kelan ba tayo ipinanganak? Dahil dito ay gagawa o bubuo sila ng committee report para isumite sa house rules committee na siyang magtatakda ng botohan sa plenaryo para sa ikalawa at ikatlong pagbasa bago ito iakyat sa senado.
Ayon sa mga mambubutas, este mga mambabatas, ang botohan sa plenaryo ay ihahabol bago sumapit ang kanilang lenten break sa March 22. Ibig sabihin hanggang nga-yon ay walang katiyakan kung matutuloy talaga ang eleksyon sa May 14 o sa October 8.
Marami na rin kasing residente ang umaangal na sa pamumuno ng kanilang overstaying na kupitan, este kapitan. Kaya nais nila na matuloy na ang halalan dahil sa pag-asa na baka matalo at mapalitan na ang kanilang lider sa Barangay. Isa lang ang ibig sabihin nito, no choice tayong lahat kundi ang wait and see kung ano ang mga susunod na mangyayari.