PINAS

Erich Gonzales, worst year ang 2017, binago ng 2018

Ni: Beth Gelena

AYON kay Erich Gonzales, 2017 ang worst year na nangyari sa kanyang buhay. Ang dahilan ay ang break-up nila ng ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga. Ilang linggo rin daw siyang nagmukmok at umiyak dahil sa nangyari sa kanilang relasyon lalo pa at may mga nakikisawsaw pa sa kanilang break-up. Hindi naman inamin ng aktres ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

 Sa bandang huli, ayon kay Erich ay nakapag-isip-isip na rin siyang mabuti. “Time to move on na,” aniya. Tapos na raw ang heart healing niya at kailangan na rin niyang harapin pa ang bukas.

Muling nakipag-mingle si Erich sa mga kaibigan at showbiz people. At marami ang nagulat nang siya ang maging calendar girl ng isang liquor band kung saan ba-thing suit at two-piece bikini ang kanyang suot. First time na nagpakita ng buong skin ang dalaga na ikinamangha ng lahat. Napaka-sexy niya na maging ang kanyang ate Kris Aquino ay very proud sa mga sexy pictorial niya at sinusuportahan pa sa naging desisyon niya. Lagi kasing sinasabi ni Kris na adopted younger sister niya ang aktres.

“Wala naman po sigurong masama kung nagbago man ako ng image. Kagustuhan ko po ‘yun at saka matured na rin naman ako as a woman,” ani Erich sa interbyu.

After na mag-endorso ng branded na alak ay naging cover girl din ang aktres sa Rogue Magazine kung saan may kuha siyang half-naked na hindi naman malaswang tingnan. Very thankful si Erich sa photographer dahil napaka-artistic daw ng pagkakuha at marami ang na-impress nang walang malisya.

May bago ring teleserye ang dalaga kung saan tatlong character ang kanyang ginagampanan, ang “Blood Sisters” (BS) na napapanood sa ABS-CBN. Palaban ang iba’t ibang role ni Erich.

Aniya sa interbyu: “Siyempre you aim for progress, in this industry. I guess kaila-ngan din yung…I don’t know kung ano ang tawag natin, rebranding, reinvention, kung anuman ang tawag nila dun. It’s very important, naggo-grow ka din, di lang yung paulit-ulit na nakikita nila sa iyo. For me gusto ko sana e-verytime na they see me, mayroon tayong may bagong ipapakita sa mga audience natin, sa mga viewers natin.”

Hinggil sa kanyang lovelife, ayon kay Erich hindi na muna niya priority ang pag-ibig. “You don’t need naman someone to complete you. You only need someone to accept you completely, di ba?,” lahad niya.

“Trabaho… trabaho… trabaho… dyan na muna ako naka-focus. Sobra kasi akong committed dito sa BS. Ang daming positibo na nangyari sa akin ngayong 2018. Marami na rin akong natutunan. Focus na lang muna ngayon, things that’s been going on, mga blessings na dumara-ting,” dugtong pa ng dalaga.

Isa si Enchong Dee na kapareha ni Erich sa BS. Hindi rin naiwasang itanong sa kanya ang binata na una niyang nakatrabaho sa Katorse nu’ng 2009. Napabalita ring niligawan siya ng aktor. Inamin naman ng aktres na naging parte ng buhay niya si Enchong.

“Yung relationship po namin, mas stronger po ngayon, mas solid talaga, pero hanggang doon lang po ‘yun,” pagtatapos ni Erich.