Pinas News
Bilyon bilyong dolyar na raw ang nalulugi sa social media giant na Facebook habang hinaharap ang scandal na nagkukuwestiyon sa privacy nang mga gumagamit nito.
Ito ay kasunod ng mga lumabas na ulat na nagawa umano nang Data Mining Company na Cambridge Analytica na mabuksan ang facebook account nang 50 milyong FB users nito para makahuha nang impormasyon na ginamit sa presidential elections noong 2016.
Ayon sa tala, sumadsad sa 6.7% ang market value nang Facebook noong Lunes, katumbas ito nang halos $37 bilyon na pagkalugi sa social media giant bunsod nang iskandalo.
Sakabila nito ay patuloy na itinuturing ang social media giant bilang pangunahing social media company sa buong mundo.
Tinuturing naman ito ni Prime Minister Teresa May na alarming ang scandal na hinaharap ngayon ng Facebook.
Ayon kay May, kailangang mailabas na ang warrant para halughugin ang buong data firm ng Cambridge Analytica para sa mabilis na pagkuha nang impormasyon at pruweba na magdidiin laban sa nasabing data firm.
Dagdag pa nito na malinaw na illegal na nakuha nang Cambridge Analytica ang mga impormasyon nang mga FB users mula sa isang researcher na pinagkakatiwalaan nang Facebook.
Sa ngayon ay suspendido na ang naturang data firm.