PINAS

Filipino Boxer Servania, nasa top rank na

Pinas News

AAKYAT na sa ring boxing upang lumaban sa Abril ang tubong Bacolod na si Genesis Servania sa pangangalaga ng Top Rank Promotions.

Kasabay ito ng kumpirmasyon ng Top Rank Promotions na pumirma na ng kontrata sa kanila si Servania.

Inihayag ng Bacoleño, na kung matutuloy ang ka-nyang laban sa Abril, ito ay 10 rounds at non-title bout na gaganapin sa Estados Unidos.

Nagpasalamat ang 29-an-yos na si Servania dahil kinuha siya ng sikat na promoter sa buong mundo.

Ang kontrata ni Genesis ay tatlong taon, at maaaring ma-extend ng isang taon kung magpapakita ng magandang laban ang Bacoleño boxer.