Ni: Noli Liwanag
PANAHON ng tag-init, upang makaiwas sa sunog ay isinagawa sa buong Pilipinas ang obserbasyon ng Fire Prevention Month. Ngunit hindi ibig sabihin ay tuwing Marso lang tayo mag-iingat sa sakunang dulot ng sunog. Laging nagpapaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag-ingat sa sunog, at ngayong Marso ang simula ng panahong mainit at palaganapin ang pagbibigay ng babala at impormasyon sa mga mamamayan.
Ang tema ngayong taon ay, “Ligtas na Pilipinas, ang Ating Hangad,” Pag-iingat sa Sunog sa Sarili Ipatupad.” Iisa lang ang layunin ng BFP, ang masugpo at maiwasan ang pagkakaroon ng sunog at maging ligtas ang lahat.
- Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, “Fire safety is every Filipino’s responsibility” “Fire Protection Month is the time of the year when we are at our most visible, let us use this attention, harness it to our full advantage to tap as many Filipinos as we can to channel the fact that fire prevention doesn’t rest solely in our care, on the firefighter’s shoulder, but is everyone’s responsibility,” sabi ni Año.“May you vigor as the primary defenders against the peril of fire, fly as high as our vision of seeing a Philippines far from the tragedy of losing lives because of fire. Let us fight fire with fire, the fire that burns our passion to keep our fellowmen out of harm’s way,” dagdag pa ni Secretary Año.
“Fire safety begins in ourselves. We can make the Philippines achieve greater progress and we can make it a better place to live in when we all give fire safety paramount importance,” saad naman ni BFP Spokesperson F/Supt. Joanne Vallejo.
PDRRMO-BULACAN, HANDA SA SAKUNA
Binisita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office-Bulacan Rescue ang mga tanggapan at ospital ng Bulacan kamakailan upang turuan ng tamang pagresponde at kahandaan sa sakuna tulad ng sunog bilang bahagi ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog.
Ayon kay Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, mahalaga ang laging handa at malaman ang mga dapat gawin kung may sunog. “Ito po ay ginagawa upang matiyak na tayo sa Bulacan ay handa at alam ang mga dapat gawin sa oras na magkasunog nang sa gayon ay mas malilimitahan natin ang pinsala sa tao at mga ari-arian,” sabi ni Gov. Alvarado.
LPG, ATBP. DAHILAN NG SUNOG
Nagsimula na ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpunta sa mga komunidad upang magbahagi ng mga paalala sa mga residente para makaiwas sa sunog. Tinawag na “triangle of fire” ang binubuo na kaila-ngang maghalo para magdulot ng sunog. Kabilang dito ang fuel, oxygen, at heat. Isang halimbawang ibinigay ng BFP ay ang pagkasunog ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Siguraduhing napatay ang kalan at naisara ang LPG tank pagkatapos magluto, at bantayan ang niluluto. Agad patayin ang kalan kapag napansin ang pag-usok ng mantika at palamigin ito bago magluto. Kung umapoy ang niluluto, huwag itong buhusan ng tubig. Agad itong takpan ng tela o basahan.
- Laging inspeksyunin ang LPG tank at hose upang malaman kung may butas, sira o tagas. Siguraduhing naisara ang regulator ng LPG matapos gamitin. Huwag matataranta kapag nasunog o nag-apoy ang hose ng LPG. Takpan lamang ito ng basang tela at isara ang regulator.Iwasan ang overloading ng mga electrical na saksakan at wirings. Ang konting gasgas sa wire, maluwag na switch o mainit na saksakan ay maaa-ring maging sanhi ng sunog. Huwag nang gamitin ang mga sirang appliances at ayusin ang mga sirang wirings.
Mabuting ipatingin kada apat na taon ang mga electrical wirings, pero humingi lamang ng tulong sa mga lisensyadong electrician. Huwag ipagsawalang-ba- hala ang mga palatandaan na maaaring pagmulan ng sunog tulad ng patay sinding ilaw, sparks at
pag-iinit ng mga wire o plug, panganga-moy- sunog, o pangingitim ng mga switch o saksakan. - Maaari ring maging sanhi ng over voltage ang biglang pagkakaroon ng kuryente matapos ang mahabang brownout kapag nakabukas ang inyong mga linya. Mag-ingat sa paggamit ng kandila. Huwag itong ipatong sa mga gamit na madaling masunog. Patayin agad ito pagkatapos gamitin.Dapat ay may bentilasyon kaya mahalagang buksan ang pinto o bintana kapag sumingaw ang LPG. Kung ibang appliances ang nasusunog, huwag agad isaksak o huwag bunutin. Huwag ring gumamit ng tubig sa pagpatay ng mga electrical-related fire. Sa halip ay patayin ang circuit breaker at tanggalin sa saksakan.
Kapag dumating sa puntong nasusunog ang parte ng katawan ng tao, dumapa sa sahig, takpan ang mukha, at gumulong-gulong hanggang sa mawala ang apoy, lagyan ng kumot, at tapik-tapikin ang bahagi ng katawan na nasusunog hanggang sa mawala.
FIRE INCIDENTS SA PINAS
Umabot sa kabuuang 14,000 ang bilang ng mga naitalang insidente ng sunog sa buong bansa noong 2017, kung saan umabot sa 304 katao ang namatay at tumupok sa mga ari-ariang nagkakahalaga ng P7.8 bilyon. Mula Enero 1 hanggang Pebrero 28 ngayong taon, nagtala ang BFP ng 1,758 insidente ng sunog sa buong bansa na naging sanhi ng pagkamatay ng 22 katao at pagkaabo ng P1 bilyong halaga ng ari-arian.
Samantala, bago pumasok ang buwan ng Marso, nasa 1,000 tao na ang nawalan ng tahanan sa sunog sa Bara-ngay Tatalon, Quezon City na hinihinalang sumiklab dahil sa napabayaang charger ng cellphone. Paalalang muli ng BFP, para makaiwas sa sunog ay kailangang laging maging alerto at maging handa. Sa ating tahanan at sa ating mga sarili dapat mag-umpisa ang pag-iingat. Para sa karagdagang impormasyon at mga anunsyo, mag-update sa BFP sa Facebook, o bumisita sa bfp.gov.ph.