PINAS

Game 1 sa pagitan ng San Miguel at Magnolia, inaabangan na

Pinas News

INAABANGAN na ngayon ng mga PBA fanatics ang sagupaan ng  San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa PBA Philippine cup 2018 finals.

isasagawa ng game 1 sa best-of-seven final series sa Smart Araneta Coliseum mamayang alas-siyete ng gabi.

inaasahang magiging kapa-kapanabik ang bakbakan ng dalawang koponan na muling maghaharap sa finals sa ika-walong pagkakataon.

sa ngayon, ito na ang ika-39 finals ng Beermen at target ang pang-25 na titulo habang nasa pang-28 finals naman ito ng hotshots at target nito ang pang-14 na korona.

huling naglaban ang dalawang koponan noong 2013 Governor’s cup finals bilang magkapatid na koponan sa ilalim ng San Miguel corporation.