PINAS

Gen. Bato dela Rosa, kinilala ang mga magigiting na pulis

Pinas News

BINIGYAN ng pagkilala ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang dalawang pulis-maynila sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame.

Tumanggap ng “Medalya ng sugatang Magiting” si PO1 Jester Versoza habang “Medalya ng Kagalingan” ang iginawad kay PO2 Mel Bautista.

Si Versoza ang pulis na pinagsasaksak sa Sampaloc, Maynila at nakabaril sa suspek pero hindi niya ito iniwan at sa halip ay naghintay ng mga tao na magdadala dito sa hospital.

Si Bautista naman ang Pulis-Maynila na kahit naka-off duty ay rumesponde sa isang krimen sa Moriones, Tondo.