PINAS

Ginebra panalo kontra San Miguel sa game 3 ng PBA semifinals

Pinas News

NASUNGKIT ng Barangay Ginebra ang panalo kontra San Miguel sa iskor na 95-87 sa game 3 ng PBA Philippine Cup Semifinals.

Dahil dito, pinababa ng Gin Kings ang lamang ng Beermen sa 2-1 na pinangunahan nina Japeth Aguilar at La Tenorio ang Ginebra Team sa kanilang iskor na 25 at 18 points.

Nanguna rin sa Beermen si June Mar Fajardo na may 23 points.

Sinabi ng Ginebra Head Coach na si  Tim Cone na maganda ang naging laro ng kanyang koponan at masaya ang mga ito sa pagkapanalo sa laro.

Bukas ng Huwebes naman magaganap ang game 4 ng semis sa pagitan ng dalawang koponan na gaganapin sa Mall of Asia Arena.