Pinas News
Natapos na ng House Intelligence Committee ang pagsagawa ng mga panayam sa imbestigasyon nito sa Russia at sa 2016 U.S. Election at natagpuang walang sabwatan na nagaganap sa pagitan ng mga kasamahan ni U.S. President Donald Trump at ng mga Russian sa tangkang pakialaman ang kampanya.
Pinahayag ng committee republicans na wala silang nakitang sabwatan, koordinasyon o konspirasyon sa pagitan ng Trump campaign at ng Russians.
Una nang itinanggi ng russia ang umano’y pakikialam nito sa kampanya ng U.S. Election
At paulit-ulit na ring itinanggi ni Trump ang sabwatan ng kanyang mga kasama sa kampanya noon sa eleksyon at ng mga Russians.
Diin ng democrats na iilan sa mga republican ay nagkasala sa mga kaso kabilang ang pagsisinungaling sa mga imbestigador at pakipagsabwatan laban sa Amerika.