PINAS

Imbestigasyon kaugnay sa sabwatan sa pagitan ni Trump at Russia, walang pruweba

Pinas News

Natapos na ng House Intelligence Committee ang pagsagawa ng mga panayam  sa imbestigasyon nito  sa Russia at sa 2016 U.S. Election at natagpuang walang sabwatan na nagaganap sa pagitan ng mga kasamahan ni U.S. President Donald Trump at ng mga Russian sa tangkang pakialaman ang kampanya.

Pinahayag ng committee republicans na wala silang nakitang sabwatan, koordinasyon o konspirasyon sa pagitan ng Trump campaign at ng Russians.

  • Ito ay matapos na isinagawa ng panel ang interview phase sa imbestigasyon nito kaugnay sa nasabing sabwatan na pinamunuan ni Representative Mike Conaway.

    Una nang itinanggi ng russia ang umano’y pakikialam nito sa kampanya ng U.S. Election

    At paulit-ulit na ring itinanggi ni Trump ang sabwatan  ng kanyang mga kasama sa kampanya noon sa eleksyon at ng mga Russians.

  • Inakusahan naman ng democrats ang republicans sa komite na nagpapabaya ito  sa imbestigasyon upang mailigtas si Trump at ang kanyang mga kasamahan.

    Diin ng democrats na iilan sa mga republican ay nagkasala sa mga kaso kabilang ang pagsisinungaling sa mga imbestigador at pakipagsabwatan laban sa Amerika.