PINAS

Impeachment ng kamara at senado o quo warranto ng Korte Suprema?

Ni: Jun Samson

PULITIKA o demokrasya? Ito ang dalawang katanungan kung ano ang maitatawag sa kontrobersyang
kinasasangkutan ngayon ng Korte Suprema, partikular na ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

May mga nagsasabi kasi na napulitika lang si Sereno kaya pinapa-impeach matapos na naging mainit sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte sa simula pa lamang ng panunungkulan sa Malakanyang na maraming kadahilanan. Sa isang banda ay may mga nagsasabi rin naman na that’s the beauty of democracy.