PINAS

Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria pinag-uusapan ang kasal

Ni: Beth Gelena      

NAGPAPASALAMAT ang actor-politician na si Jolo Revilla sa FPJ’s Ang Probsiyano dahil muli raw nabalik ang action films.

After five years na hindi naging active sa showbiz ay muli siyang gagawa ng pelikula mula sa kanilang production, ang Imus Productions, ang 72 Hours.

Samantala, nag-birthday si Jolo kamakailan, ibinahagi niya na kasama ang girlfriend na si Jodi Sta. Maria nang nagpunta siya sa Rosario, Cavite.

Tungkol sa kanilang pagpapakasal, darating daw sila doon, pero hindi pa ngayon dahil may mga inaayos pa raw.