PINAS

Jolo Revilla kinilig sa sinabi ni Jodi Sta. Maria

Ni: Beth Gelena

SA interbyu ni Boy Abunda kay Jodi Sta. Maria sa programa nitong Tonight With Boy Abunda ay kinilig ang Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla. Natanong ang aktres kung sino ang dalawang lalaki na pagbibigyan niya ng kanyang puso. Sagot ni Jodi, ang kanyang anak na si Thirdy at si Jolo. “Naibigay ko na sa kanya ang puso ko.”  First time na inamin ng aktres ang relasyon nila ng anak ni Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Nag-post naman si Jolo sa kanyang social media account ng magandang picture ni Jodi na may caption “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!” Kung susumahin ay mahigit anim na taon na pala ang kanilang relasyon. Inamin din niya na sobra siyang kinilig sa sagot ni Jodi kay Kuya Boy.

Aniya: “Wagas ang kilig ko Love! Parang kakasagot mo pa lang sa akin. I Love you now and forever!”