PINAS

Joshlia fans, naalarma sa convo ni Joshua Garcia Sa isang fan

Pinas News

AYAW namang patulan ng young actor na si Joshua Garcia ang komento ng mga Joshlia fans tungkol sa lumabas na screenshots sa social media kung saan kasama nito ang isang girl.

Naalarma naman ang joshlia fans sa paglabas ng screenshots sa social media ng pakikipag-usap umano ng young actor sa isang female fan na may username na @danerhea sa twitter.

Inulan naman ng batikos ang young actor at kinukuwestyon ng netizens ang loyalty nito kay Julia Barretto.

Say naman ni joshua, hangga’t maaari umano ay ayaw niyang bigyan ng pansin ang mga walang kwentang isyu at gusto lamang niyang mag-focus sa kanyang trabaho.

Bilang artista naman ay tanggap na ni Joshua na parte ng buhay nila ang intriga at isyu.