PINAS

Jr. NBA Phl 2018, sa benguet

Pinas News

NAGPUNTA sa Benguet State University (BSU), Lalawigan ng Benguet ang mga organizer ng Jr. NBA Philippines 2018 para sa Regional Selection Camp of the year kamakailan.

Nakiisa ang mga batang lalaki at babae na may edad10 hanggang 14 na mula sa Cordillera at iba pang mga kalapit lalawigan.
Itinuro sa mga mga kabataan ang mga fundamentals ng basketball, sportsmanship, teamwork at iba pa.

Sa pamamagitan ng nasabing selection camp ay pumili ng walong babae at walong lalaki na makakasali sa National Training Camp sa Manila sa Mayo.

Kabilang sa mga organizer na nagpunta sa BSU ay sina NBA Coach Carlos Barroca, Rob Newson at ang mga Jr. NBA coaches mula sa Philippine Basketball Association na si Jeffrey Carriaso at Tony dela Cruz.