PINAS

Kidnap victim sa Zamboanga del Norte, pinalaya

 

Pinas News

4 Na mga kidnap victim ang iniwan ng mga hostage takers sa Barangay Libucon, Sirawaik, Zamboanga del Norte.

Kabilang sa mga biktima ay sina Roger Jung-an, Jomar Maglangit, Jomar Mantangan at Raymond Purisima.

  • Ayon kay Major Roseller Murillo, commander ng task force Zampelan, nasa ligtas na ang kalagayan ang mga biktima.

    Una nang kinidnap ang apat ng mga armadong suspek habang nagpuputol ng mga  punong kahoy sa barangay panabutan nakaraang Marso 3 kasama ng ikalimang hostage na si Mario Rosales.

    Nasawi si Rosales nang tamaan ito ng bala sa gitna ng bakbakan ng militar at mga kidnappers nakaraang lingo.

  • Unang humingi ng ramson ng P10 milyon ang grupo ng mga kidnappers sa pangunguna ng isang Jamilon Wahab para sa kalayaan ng mga biktima.

    Ngunit sa kalaunan ay naibaba umano ang halaga sa P15, 000 bawat bihag.