PINAS

Kris Bernal hindi isasakripisyo ang buhay para sa lalaki

Ni: Beth Gelena

ISANG non-showbiz guy ang nagpapasaya ngayon sa Kapuso artist na si Kris Bernal. Pero never daw niyang isa-sacrifice ang kanyang buhay ng dahil lang sa isang lalaki. “Ang daming lalaki diyan,” aniya.

Inamin kasi ng aktres na naranasan na niyang magmakaawa noon sa taong nang-iwan sa kanya.

Kapag in-love raw kasi siya ay ipinaglalaban niya ang lalaking minamahal, pero may limitasyon naman daw siya kung hanggang saan ang kanyang pagmamahal.