PINAS

KZ Tandingan umani ng papuri sa rendition ng ‘Say Something’

Ni: Beth Gelena

LAHAT ay humahanga sa singer na si KZ Tandingan nang sumali siya sa number one show ng China, ang Singer 2018 kung saan ang mga nakakalaban niya ay pawang mahuhusay na singer mula sa iba’t ibang bansa. Si KZ ang unang Pinay singer na nakapasok sa singing show ng China. Nag-rank one siya sa unang episode pa lang kung saan natalo niya ang idolong si Jessie J, ang kumanta ng Flashlight. Naging paborito siya ng Chinese audience lalo na nang awitin niya ang Mandarin song na The Hurts You Never Knew.

Nasa seventh episode na ang Singer 2018 at patuloy pa ring nai-impress ang mga audience at hurado kay KZ nang awitin niya ang Say Something ay pumasok siya sa top 4 out of eight singers. Hindi rin nakakalimutan ni KZ nang i-cheer siya ni Jessie J ng “Go, girl!” Sa April 13 ang susunod na episode ng Singer 2018.