PINAS

Libu-libong aplikante, dumagsa sa unang araw ng 2-day jobs fair sa SM Mega Mall

Pinas News

ALAS-OTSO palang ng umaga, may nakapila na para sa dalawang araw na jobs fair na pinangunahan ng organizer na Job Quest.

Bandang alas onse na ng magbukas ang programa para tumanggap ng mga aplikante mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ang iba ay nagbaka-sakali na makahanap ng panibagong trabaho matapos umalis sa dating pinapasukan dahil sa maliit daw ang sahod.

Ayon kay  event organizer, buwan buwan nilang isinasagawa ito sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para tulungn ang mga kabataang walang trabaho.

Samantala, nakiisa rin ang SMNI trimedia sa paghahanap ng mga potential employee na may magandang karakter at kalaunay maging bahagi ng pamilya ng Sonshine Media Network International Television and Radio kasama din ang print na Pinas Global news paper.

Kabilang sa mga hinahanap ang IT personnel, reporter writer, producer at marketing executive.