• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - January 20, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Literasiya sa Siyensya

March 26, 2018 by Pinas News


Ni: Assoc.Prof. Louie C. Montemar

NAKABABAHALA lalo na sa isang tulad kong gurong interesado sa agham ang mapansing napakabilis kumalat ng mga maling balita hinggil sa pagbabakuna, halimbawa, sa usapin Dengvaxia. Idagdag pa rito ang kakatwang pagdami ng mga kasapi ng isang grupo sa social media na kilala bilang “Flat Earth Society”.  Sa aking pananaw, maaaring indikasyon ang mga ito ng ating kahinaan bilang lipunan sa tinatawag na “science literacy” o “literasiya sa siyensiya.”

Ang literasiya sa siyensiya o agham ay ang kaalaman at pag-unawa sa mga konsepto at prosesong pang-agham na kinakailangan ng isang tao para sa pagdidesisyon, paglahok sa mga gawaing sibiko at pangkultura, at mga produktibong gawain sa ekonomiya.

Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng literasiya, ang isang tao ay nakapagtatanong, nakahahanap, o nakatutukoy ng tugon sa mga katanungang bunsod ng kanyang pagkamausisa sa mga karanasang pang-araw-araw. Ang isang tao na may li-terasiyang pangsiyensiya ay may kakayahang ilarawan at ipaliwanag ang natural na paggalaw ng mga bagay sa kanyang kapaligiran. Armado ng ganitong uri ng literasiya, nakikilala ng isang tao ang mga isyung pang-agham kabilang na iyong mga may kaugnayan sa mga desisyong pambansa at lokal at nakapagpapahayag siya ng posisyon hinggil sa mga ito batay sa kaalamang pangsi-yensiya at teknolohikal.

Batay sa ideya ng literasiyang pangsiyensiya, maaaninag kung bakit—bilang halimbawa—sa usapin ng Dengvaxia, marami ang tila madaling nadala sa takot. Dahil hindi malinaw sa lahat kung paano gumagana ang pagbabakuna, kung sinu-sino at anu-ano na lamang ang sinisisi ng marami sa kinahinatnan ng usapin. Pati tuloy ang ibang pagbabakuna, kahit hindi pa ng Dengvaxia, iniiwasan na ng ibang mga magulang.

Hindi naman bago sa akin na may usapin sa scientific literacy sa ating bansa. Noon pa man, ito na ang hinuha ko dahil sa datos mula sa mga pag-aaral at pagsusulit—ang “TIMSS” o Trends in International Mathematics and Science Studies noong 1995, 1999, at 2003. Sa mga pag-aaral na ito, nakitang ang mga batang Pilipino na nasa grade four sa elementarya at ikalawang taon sa high school ay mahina sa tatlong aspeto ng pagkatuto: kaalaman sa mga facts, pag-unawa sa mga konsepto, at pagdadahilan at pagsusuri. Ito rin ang makikita sa National Achievement Test na binibigay ng Department of Education.

Ayon sa mga pang-akademikong pag-aaral, may ilang dahilan sa sitwasyong ito: kakulangan  sa mga qualified na guro, isang curriculum na labis-labis ang laman, kakulangan sa maayos na aklat at kagamitan sa pagtuturo, at kawalan ng mga gamit pangsiyensiya.  Kailangang patuloy ng mamuhunan sa edukasyon ang pamahalaan at sa apat na salik na nabanggit higit na dapat magtuon ng pondo.  Gawin sanang tunay na mga prayoridad ang mga ito.

Kung ‘di natin ito gagawin, patuloy na dadami pa ang maniniwala sa, halimbawa na lamang, kasinungalingang hindi isang globo ang mundo at nakamamatay ang bakuna. Patuloy din tayong lilikha ng mga pinunong makitid ang pag-unawa at baluktot ang pamamahala.

Related posts:

  • Resignation o dismissal!
  • Kung magpapakatotoo ang mga kandidato
  • Implasyon: Sakit ng lumalagong ekonomiya?
  • Gaano Kalaki ang Kakarampot?
  • Bantayan ang Libreng Edukasyon

Opinyon Slider Ticker “Flat Earth Society” “science literacy” “TIMSS” Assoc.Prof. Louie C. Montemar Dengvaxia Department of Education Literasiya sa Siyensiya PINAS

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.