Ni: Beth Gelena
MAY pelikulang gagawin ang Chief of Operation ng Tourism Promotions Board na si Cesar Montano. Historical film daw ito na epic ang dating. Ayon kay Cesar big budgeted ang movie. Kakaibang movie na kaila-ngan daw na mapanood ng millennials.
Si Bea Alonzo ang gustong gumanap ni Cesar bilang kanyang leading-lady. Kukuha rin daw sila ng Hollywood actors para maging parte ng historical movie. Posible ring makasama ni Cesar ang anak niya kay Teresa Loyzaga na si Diego.