PINAS

Maling pasyente sumailalim sa brain surgery

Ni: Ana Paula A. Canua

Nahaharap sa matinding kaso ang neurosurgeon mula sa Kenya matapos itong magsagawa ng brain surgery sa maling pasyente.

Sinuspinde muna ang surgeon, dalawang nurses at ang anaesthetist ng ospital na Kenyatta National Hospital habang iniimbestigahan ang pangyayari. Sinuspinde rin ng Kenya Health Minister ang CEO ng ospital dahil sa insidente.

Ayon sa paunang ulat dalawang pasyente ang dinala sa ospital; ang isa ay upang alisin ang blood clot sa kanyang utak samantalang ang isa ay dahil sa pamamaga.

Ilang oras matapos ang operasyon nadiskubre na walang blood clot sa ulo ng pasyente at doon napagtanto ng mga doktor na maling tao pala ang kanilang inooperahan, sa ngayon ligtas na ang pasyente.