PINAS

Natural na paraan ng pagkukulot ng buhok

Ni: Jonnalyn Cortez

NAIS mo bang magbago ng istilo ng buhok, ngunit takot ka sa matapang na gamot ng pangkulot at aparato nito?

Ngayon, maaari ka ng magkulot ng buhok sa natural na paraan at hindi gumagamit ng mga nakakasamang kemikal.

Una na nga rito ang pagtiti-rintas ng buhok. Bago pa man matulog sa gabi, hatiin na ang iyong buhok at itirintas katulad ng nakaugalian. Maaari mo ring kapalan at nipisan ang bawat tirintas, depende sa iyong nais.

Tanggalin lamang ang tirintas sa umaga, suklayin gamit ang iyong kamay, la-gyan ng hair spray at meron ka ng bagong istilo ng buhok na tatagal buong araw.

Maraming binebenta naman ngayon sa merkado upang mapabilis ang pagkukulot ng buhok ng walang ginagamit na kemikal o mainit na aparato.

Nauuso rin ngayon ang Sleep Styler na patutuyin at kukulitin ang iyong buhok habang ikaw ay natutulog. Meron itong iba’t-ibang uri ng sukat at laki na aangkop sa haba ng iyong buhok.

Kung mabilisan naman ang iyong nais, maaaring gumamit ng isa pa ring nauusong telang headband. Isuot lamang ang naturang headband, pilipitin ang iyong buhok at iikot sa paikot sa headband. Gamitin ito habang basa-basa pa ang iyong buhok

Pwede ring gumamit ng foam curlers. Meron din itong iba’t-ibang uri ng hugis at laki, depende sa iyong nais na laki ng kulot. Ibalot lamang ang iyong buhok palibot sa foam curlers at ibaluktot ito upang hindi matanggal. Patagalin ang pananatili nito sa iyong buhok bago alisin. Maaari rin itong iwam magdamag sa iyong buhok para sa mas kulot na istilo.