PINAS

P1-M, Ibinigay ni MVP kay Ancajas

Pinas News

IBINIGAY na ni Manny V. Pangilinan ang P1 milyong halaga ng tseke kay IBF super-flyweight champion Jerwin Ancajas.

Ito ang ipinangako ni Pa-ngilinan kay Ancajas nang magkita ang mga ito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night ilang linggo na ang nakalilipas.

Si Ancajas ay kinilala ng PSA bilang isa sa mga Athlete of the Year, habang si MVP ay nakatanggap ng President’s Award.

Ayon kay Ancajas, gagamitin nila ang pondo para sa pagpapaayos ng kanyang training camp sa Magallanes, Cavite.

Naghahanda na ang Pinoy fighter sa April 14 bout laban sa kababayang si Jonas Sultan.