PINAS

Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwaiti government, isinasapinal na

Pinas News

Pagitan ng Pilipinas at Kuwaiti government, isinasapinal na ng gobyerno ang final draft ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW.

Ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anunsyo sa kanyang talumpati sa graduation ng Philippine National Police Academy (PNPA) Maragtas Class of 2018 sa Silang, Cavite.

Ayon sa pangulo, dinagdagan pa niya ang laman ng lalagdaang memorandum of understanding (MOU).

Kabilang dito ang pagkakaroon pitong oras na tulog ng mga OFW, pagbibigay ng masustansyang pagkain, hindi pagkumpiska sa mga pasaporte at pagkakaroon ng holidays.

Humingi rin ang pangulo ng government to government contract sa Kuwait.