PINAS

Pagpapasara sa Boracay Island, wala pang eksaktong petsa- DOT

Pinas News

KINUMPIRMA ng Department of Tourism (DOT) na wala pang eksaktong petsa para sa pagpapasara sa Boracay Island.

Ayon kay DOT Spokesperson, Assistant Secretary Frederick Alegre, dedepende sa petsa na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity at matapos noon ay tsaka pa lamang nila madedetermina kung kailan ipasasara ang isla.

Sinabi ni alegre na hinihintay na lamang nila ang pag-aaral ng Office of the President sa mga rekomendasyon ng DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpapasara ng sikat na tourist destination.

Inirekomenda ng tatlong ahensya ang pagsasara sa isla sa loob ng isang taon.